Mag-sign inMag-sign in

Patakaran ng Pagkapribado

Patakaran ng Pagkapribado

Ang Rakuten Insight, Inc., na nakarehistro bilang korporasyon sa bansang Hapon at ang mga kaakibat nito sa buong mundo (mahahanap mo ang mga kaakibat dito; https://insight.rakuten.com/about-us/) ('Rakuten Insight', 'kami', 'namin') ay nagbibigay sa iba’t ibang kompanya at organisasyon (“Mga Kliyente”) ng kamalayan sa konsumidor at mga opinyon sa mga pandaigdigang serbisyo at produkto, na nililikom mula sa mga survey sa pagsasaliksik ng merkado (market research survey) na isinasagawa at kinokoordina ng Rakuten Insight (“Mga Survey”).

Nilikha ang Patakaran sa Pagkapribado (ang “Patakaran”) na ito upang tulungan ka na maintindihan kung bakit at paano gagamitin ang iyong impormasyon ng Rakuten Insight, na nagpatibay ng Patakarang ito, at ang mga karapatan at pagpipilian na mayroon ka tungkol dito. Ang personal na data ay anumang impormasyon tungkol sa iyo o sa iyong sambahayan, pati na rin ang kombinasyon ng mga piraso ng impormasyon na maaaring makatwirang magpapahintulot na makilala ka o ang iyong sambahayan.

Gustong siguraduhin ng Rakuten Insight na, kahit sa anupamang paraan mo gagamitin ang aming mga serbisyo, binibigyan ka ng kapangyarihan na gumawa ng mga totoong pagpipilian tungkol sa iyong impormasyon.

Ang nasabing impormasyon na nakuha mula sa Mga Survey, na sumasalamin sa nakaraan at kasalukuyan ng mga pananaw ng konsumidor, ay magbibigay-daan upang makagawa ng mas mabuting desisyon ang Mga Kliyente tungkol sa mga serbisyo nila. Naniniwala kami na ang iba’t ibang pananaw mula sa lahat ng mga user (kabilang ang mga miyembro ng Rakuten Insight at mga bisita ng mga website ng Rakuten Insight, na sama-samang tinutukoy bilang “Mga User” o “ikaw”, ‘ka”) na nakuha sa pamamagitan ng Mga Survey ay magbibigay-kapangyarihan sa lipunan at Mga Kliyente namin. Hangarin ng Rakuten Insight na tipunin ang iba’t ibang opinyon at palagay ng sari-saring tao at magkakaibang pananaw. Ang pagkakaiba-iba ng mga opinyon at palagay ay ang pangunahing halaga na inihahatid namin sa lipunan.

Kinokolekta namin ang iyong personal na data mula sa iba’t ibang mapagkukunan, kabilang ang impormasyon na nirehistro mo sa aming membership, na ibinigay mo sa Mga Survey at direkta naming kinolekta mula sa iyo (hal. kapag kinokontak mo kami), at impormasyon na kinolekta namin tungkol sa iyo mula sa iba pang mapagkukunan na inilarawan sa ibaba, upang mapatunayan na tama o hindi ang data na ibinigay mo sa amin:

Kategorya ng mga ikatlong partido na nagbigay sa iba pang mga mapagkukunan: mga pribadong kompanya

Tandaan na maaaring iutos sa amin ng batas na kolektahin ang partikular na personal na data na tungkol sa iyo, o bilang resulta ng anumang kontraktwal na relasyon na mayroon kami sa iyo. Ang kabiguang ibigay ang impormasyong ito ay maaaring hadlangan o antalain ang pagtupad ng mga obligasyong ito. Ipapaalam namin sa iyo sa oras na nakolekta namin ang impormasyon kung kompulsoryo ang partikular na data at ang mga kahihinatnan kung mabigong maibigay ang naturang data.

1.1 Impormasyon na direkta naming kinokolekta mula sa iyo

Ang mga uri ng impormasyon na direkta naming kinokolekta mula sa iyo ay:

  1. “Pangunahing Profile”, na binubuo ng mga detalye sa pagkontak ng User (katulad ng e-mail address, pangalan, petsa ng kapanganakan, gender, pisikal na address, numero ng telepono, at kung kinakailangan impormasyon sa pagbabayad) at mga pangunahing katangian ng nagpapahiwatig sa estilo ng iyong pamumuhay o nauugnay sa yugto ng iyong buhay (katulad ng edukasyon, kita, trabaho, at, kung kinakailangan talaga para sa Mga Survey, ang iyong pinagmulang etniko);
  2. “Detalyadong Profile”, na naglalaman ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa estilo ng iyong pamumuhay at yugto ng iyong buhay kaysa sa Pangunahing Profile (katulad ng laki ng sambahayan, bilang ng mga anak, bilang ng mga kotse, mga nakagawiang kilos, gusto, medikal na kondisyon, atbp);
  3. “Data ng Survey” ng mga sagot na ginawa mo sa Mga Survey (katulad ng mga sagot, feedback at mga opinyon sa mga tanong upang malaman ang iyong mga pananaw para sa pananaliksik ng merkado);
  4. Data ng heyograpikal na lokasyon, kung saan ka sumagot o lumahok sa aming Mga Survey o kung saan mo ginagamit ang aming mga serbisyo;
  5. Mga rekord at kasaysayan ng iyong paggamit ng mga serbisyo ng Rakuten Insight, kabilang kung saan at aling Mga Survey ang sinagot mo at kailan at kung gaano karaming puntos ang natanggap at natupok mo;
  6. Mga pagtatanong at opinyon sa Rakuten Insight; at
  7. Ang cookie data at mga server log na awtomatikong kinokolekta namin mula sa iyo. Hal. data na kinolekta gamit ang mga cookie at iba pang mga teknolohiya sa pagkilala ng device ('Mga Cookie at Mga Teknolohiya sa Pagta-track'). Ang karagdagang impormasyon tungkol sa aming paggamit ng Mga Cookie at Mga Teknolohiya sa Pagta-track ay makukuha sa aming Patakaran sa Mga Cookie.
Maaari mong i-edit, iwasto ang Pangunahing Profile at Detalyadong Profile, at maaari mong i-delete ang Detalyadong Profile sa anumang oras kapag mayroon kang access sa iyong account sa Mga Setting ng Account. Nirerespeto namin ang iyong pinili hinggil sa kung anong mga uri ng personal na data ang nais mong ibigay sa amin. Padadalhan ka ng Rakuten Insight ng isinapersonal na Mga Survey batay sa personal na data na iyong napili. Kapag mas maraming impormasyon ang mayroon kami tungkol sa iyo, mas maraming Mga Survey ang matatanggap mo upang matamo ang mga gantimpala mula sa Rakuten Insight.

Ang mga kategorya ng impormasyon na direkta naming kinokolekta mula sa iyo ay:

KategoryaMga nauugnay na probisyon sa Seksyon ng “Ang mga uri ng impormasyon na direkta naming kinokolekta mula sa iyo ay”Mapagkukunan ng dataMga halimbawa ng impormasyon
Mga nagpapakilala1-(1) "Pangunahing Profile"
1-(2) "Detalyadong Profile"
1-(3) "Data ng Survey"
1-(6) "Pagtatanong at mga opinyon sa Rakuten Insight"
Direkta mula sa iyoAng iyong ID ng user, password, pangalan, email address, mga numero ng telepono, address, petsa ng kapanganakan, zip code, mga nagpapakilala para sa online, ID ng device, IP address, nagpapakilala para sa advertising
Mga protektadong katangian1-(1) "Pangunahing Profile"
1-(2) "Detalyadong Profile"
1-(3) "Data ng Survey"
Direkta mula sa iyoGender, edad, kasarian, lahi, oryentasyong sekswal, katayuan sa pag-aasawa, relihiyon
Impormasyon sa pananalapi, medikal, o pangkalusugan1-(1) "Pangunahing Profile"
1-(2) "Detalyadong Profile"
1-(3) "Data ng Survey"
Direkta mula sa iyoImpormasyon sa account na nauugnay sa e-money, impormasyon sa kita, katayuan ng kalusugan
Impormasyon sa aktibidad sa internet o iba pang elektronikong network1-(5) "Mga record at kasaysayan ng iyong paggamit ng mga serbisyo ng Rakuten Insight"
1-(7) "Cookie data at mga server log"
  • Direkta mula sa iyo
  • Awtomatiko sa pamamagitan ng paggamit ng Mga Teknolohiya ng Cookie
Agent ng user, pag-view ng page, impormasyong nagmula sa mga Teknolohiya ng Cookie katulad ng na-view na mga URL, time stamp ng oras ng pag-view, impormasyon na nauugnay sa mga produkto at mga serbisyo na naipakita at na-search
Data ng geolocation1-(4) "Data ng heyograpikal na lokasyon"
  • Awtomatiko kapag gumagamit ka sa aming mga serbisyo kabilang ang Mga Survey
Data ng GPS
Audio, elektroniko, pampaningin, thermal, olfactory, o katulad na impormasyon1-(3) "Data ng Survey"Direkta mula sa iyoMga litrato, mga rekording ng boses at mga video
Impormasyon sa pagtatrabaho1-(1) "Pangunahing Profile"
1-(2) "Detalyadong Profile"
1-(3) "Data ng Survey"
Direkta mula sa iyoKatayuan sa pagtatrabaho, paglalarawan sa trabaho, titulo ng trabaho, industriya na kinabibilangan mo
Impormasyon sa edukasyon1-(1) "Pangunahing Profile"
1-(3) "Data ng Survey"
Direkta mula sa iyoPang-akademikong kasaysayan
1.2 Impormasyon na kinokolekta namin mula sa iba pang mga mapagkukunan:

Kinokolekta namin ang personal na data tungkol sa iyo mula sa iba pang mga mapagkukunan kapag pinapatunayan namin ang iyong personal na data upang makapagbigay at maisapersonal ang Mga Survey.

Ang mga kategorya ng impormasyon na kinokolekta namin tungkol sa iyo mula sa iba pang mga mapagkukunan ay:

  1. Mga nagpapakilala, katulad ng:
    1. Pangunahing Profile (hal. pangalan, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono, numero ng cellphone, email address, address na pangkoreo, pang-akademikong kasaysayan, katayuan sa pagtatrabaho, titulo ng trabaho, industriya na kinabibilangan mo)
1.3 Mga espesyal na kategorya ng personal na data

Ang ilan sa mga kategorya ng impormasyon na kinokolekta namin ay mga espesyal na kategorya ng personal na data (na kilala rin bilang sensitibong personal na data). Lalo na, maaari naming iproseso ang personal na data na nauugnay sa sariling naiulat na lahi o etnisidad sa Pangunahing Profile sa ilang bansa (hal. Singapore, Malaysia, India, at U.S.), at impormasyon sa kalusugan, mga opinyon sa politika, paniniwala sa relihiyon o iba pang mga katumbas na paniniwala.

Palagi kaming nangangailangan ng tamang dahilan para iproseso ang iyong data.

Ang dahilan ay maaaring pagkolekta ng personal na data para maisagawa ang aming kontrata sa iyo, pagsunod sa aming legal na obligasyon, at / o, kung naaangkop, pagproseso ng personal na data nang may pahintulot mo.

Sa ibaba, makikita mo ang impormasyon tungkol sa mga layunin kung bakit namin pinoproseso ang mga uri ng personal na data.

  1. Magbigay at mag-personalize ng mga Survey: Para sa layunin ng market research na isinagawa ng Rakuten Insight at/o mga Kliyente. Ginagamit namin ang iyong profile data at ang iyong paggamit ng serbisyo para i-personalize ang mga serbisyo para sa iyo upang mabigyan ka ng mga mas may kaugnayang Survey, mapabuti ang iyong karanasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga interactive o naka-personalize na elemento, at mabigyan ka ng mga rekomendasyon batay sa iyong mga interes.
  2. Mangolekta at suriin ang mga sagot sa Survey para sa pananaw: kapag pinili mong lumahok sa mga Survey, na maaaring isagawa ng Rakuten Insight at/o mga Kliyente, pinoproseso namin ang iyong data upang magsagawa, mangolekta, at suriin ang iyong sagot sa Survey upang makakuha ng pananaw.
  3. Pagbibigay ng mga Alok o mga naaangkop na refund: Pinoproseso namin ang iyong data para mabigyan ka ng mga reward na inaalok ng Rakuten Insight o mga refund, kung naaangkop.
  4. Mga serbisyong pang-komunikasyon, pang-suporta, at pang-customer: Ginagamit namin ang iyong data para sagutin ang iyong mga kahilingan at tanong, at para ipaalam sa iyo ang mga pagbabago at update sa aming mga Serbisyo.
  5. Pagpapatunay ng pagkakakilanlan at pamamahala ng account: pinoproseso namin ang iyong data para payagan kang magrehistro, mag-log in, at / o i-activate ang iyong account; kumpirmahing ikaw nga ang nagla-log in sa aming serbisyo (pagpapatunay); nire-record namin ang iyong configuration at mga setting para pamahalaan ang iyong mga account at para sa paggawa at pag-update ng iyong profile gamit ang impormasyong ibinigay mo sa amin
  6. Pahusayin at paunlarin ang mga serbisyo para sa iyo: Ginagamit namin ang data tungkol sa iyong paggamit ng serbisyo para tiyaking patuloy na natutugunan ng serbisyo ang iyong mga inaasahan at upang mapahusay ang serbisyo, panloob na pagsusuri tungkol sa kung paano ginagamit ang aming serbisyo, pagbuo ng mga bagong serbisyo at pagpapahusay ng teknikal na functionality ng serbisyo.
  7. Magsagawa ng mga marketing/advertising na aktibidad at magpadala ng mga komersyal na mensahe: Nagpapadala kami sa iyo ng mga komunikasyong pang-marketing sa pamamagitan ng iba't ibang channel, gaya ng iyong email address o mga push notification, kung pumayag kang makatanggap ng mga ito. Higit pa rito, maaari naming i-personalize ang mga mensahe sa marketing na ipinapadala namin sa iyo at magbigay sa iyo ng angkop na advertising upang gawin itong mas may kaugnayan at kawili-wili.
  8. Sumunod sa mga legal na obligasyon na naka-address sa amin at makipagtulungan sa mga regulator at awtoridad na tagapagpatupad ng batas: maaaring kailanganin naming ibunyag ang data sa mga ahensya ng tagapagpatupad ng batas (tulad ng korte o pulis). Sa mga ganitong kaso, maaari naming ibunyag ang iyong data sa mga naturang ahensya nang walang paunang pahintulot kung kami ay legal na pinaghihigpitan na gawin ito.
  9. Upang maiwasan ang panloloko, malisyosong aktibidad, at potensyal na pagkalugi: ginagamit namin ang data upang protektahan ang aming serbisyo mula sa panloloko, malisyosong aktibidad, at iba pang banta. Sinusuri namin ang mga pattern ng pag-log-in upang protektahan ang iyong account laban sa pag-aaccess ng ibang tao.

Nagsasagawa kami ng mga hakbang upang matiyak na hindi ka direktang matutukoy ng Kliyente sa pamamagitan ng pagsasama-sama o pag-pseudonymize ng iyong data. Ang pagproseso ng personal na data ay nakadepende sa modelo ng survey. Partikular, sa isang Survey kung saan direkta naming kinokolekta ang iyong personal na data at ibinibigay ito sa Kliyente, binabago namin ang iyong natatanging member ID at pinapalitan ito ng isang natatanging project ID na ginagamit para sa isang partikular na survey.

Kung hihingi kami ng iyong pahintulot na iproseso ang iyong personal na impormasyon, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pagkontak sa amin gamit ang mga detalye sa dulo ng abiso sa privacy na ito.

May mga partikular na karapatan ka tungkol sa iyong personal na data, na napapasailalim sa lokal na batas. Kabilang dito ang mga sumusunod na karapatan sa:

  • pag-access sa iyong personal na data: maaari mong hilingin na i-access ang impormasyon tungkol sa iyong personal na data, katulad ng mga kategorya, mga layunin sa pagproseso o anumang iba pang impormasyon na kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas;
  • itama ang impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo: maaari mong itama ang hindi tumpak na personal na data na tungkol sa iyo;
  • burahin ang iyong personal na data:maaari mong hilingin sa amin na burahin ang iyong personal na data na nakolekta namin;
  • higpitanang paggamit namin ng iyong personal na data;
  • tumutol sa aming paggamit ng iyong personal na data: maaari mong tutulan ang mga partikular na uri ng aming pagpoproseso ng iyong personal na data depende sa sitwasyon, katulad ng profiling o anumang iba pang pagpoproseso na kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas;
  • portability ng data: tanggapin ang iyong personal na data sa isang magagamit na elektronikong format at ipadala ito sa isang panlabas na partido;
  • pagtutong higit pa tungkol sa mga mapagkukunan kung saan kami nangongolekta ng impormasyon, ang mga layunin kung bakit kami nangongolekta at nagbabahagi ng impormasyon, ang impormasyong hawak namin, at ang mga kategorya ng mga partido na binabahaginan namin ng iyong impormasyon;
  • maging malaya mula sa diskriminasyon: Maaari mong malayang gamitin ang iyong mga Karapatan nang walang takot na tatanggihan kang bigyan ng mga produkto at serbisyo; at
  • magsampa ng reklamo:maaari kang magsampa ng reklamo sa Global Privacy Manager (Pandaigdigang Tagapamahala ng Pagkapribado) ng Rakuten o sa awtoridad sa pagprotekta ng data alinsunod sa mga BCR [Binding Corporate Rules (Mga Umiiral na Patakaran ng Kompanya)] ng Rakuten(https://corp.rakuten.co.jp/privacy/en/bcr.html).

Kung nais mong magtanong tungkol sa o gamitin ang mga naturang karapatan, mangyaring kontakin kami alinsunod sa Seksyon 9 ("Kontakin Kami"). Maaari kang gumamit ng isang awtorisadong ahente upang magamit ang iyong mga karapatan alinsunod sa naaangkop na batas. Sa kasong iyon, mangyaring tiyakin na magbibigay ka ng nakasulat na permiso sa ahente.

Kapag natanggap namin ang kahilingan, beberipikahin namin ang iyong identidad batay sa personal na data na mayroon na kami at maaaring dagdag kaming hihiling nito sa iyo para sa layunin ng pagberipika. Mangyaring tandaan na maaari rin kaming mangailangan ng karagdagang impormasyon mula sa iyo upang angkop na matugunan ang iyong kahilingan.

Hinihikayat ka naming kontakin kami upang i-update o iwasto ang iyong impormasyon kung nagbago ito o kung hindi tumpak ang hawak naming personal na data na tungkol sa iyo.

Mangyari ring tandaan na hindi lubusan ang iyong mga karapatan, at may ilang kadahilanan kung saan maaari naming tanggihan ang iyong kahilingan ayon sa pinahihintulutan sa ilalim ng naaangkop na batas.

Maaari naming isiwalat ang iyong personal na data para sa mga layunin ng negosyo sa mga sumusunod na partido:

  • Mga service provider at mga kasosyo sa negosyo. Maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa aming mga service provider at mga kasosyo sa negosyo na nagsasagawa na mga serbisyo sa marketing at iba pang mga pagpapatakbo ng negosyo para sa amin.Halimbawa, maaari kaming makipagsosyo sa ibang mga kumpanya upang magproseso ng mga ligtas na pagbabayad, tumupad ng mga order, magpadala ng mga newsletter, magbigay ng serbisyong email at messaging para sa suporta, at magpadala ng mga komunikasyong pang-marketing (sa pamamagitan ng mga email, push notification, o mga katulad na teknikal na paraan).
  • Mga Kaakibat. Maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa aming mga kaakibat at mga pangkat ng kompanya na bibili, o kung saan nililipat namin, sa lahat o malaking bahagi ng aming mga propyedad at negosyo. Kung sakaling mangyari ang naturang pagbebenta o paglilipat, gagamit kami ng makatwirang pagsisikap upang subukang tiyakin na ang entidad kung saan inililipat namin ang iyong personal na data ay gagamitin ito sa paraang naaayon sa Patakarang ito. Dagdag pa dito, sa mga kaso kung saan kinakailangan na iwasan at bawasan ang mga mapanlinlang o di-legal na mga aktibidad o upang protektahan ang buhay, katawan o ari-arian, maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa aming mga kaakibat at mga pangkat ng kompanya.
  • Ang mga ahensya na nagpapatupad ng batas, hukuman, regulator at mga awtoridad ng pamahalaan. Maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa mga partidong ito kung saan naniniwala kami na kinakailangan ito upang sundin ang isang legal o panregulatoryong obligasyon, o kung hindi man upang maprotektahan ang aming mga karapatan o mga karapatan ng sinumang ikatlong partido.
  • Mga Kliyente. Maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa sinumang ikatlong partido na bibili, o kung saan nililipat namin, sa lahat o malaking bahagi ng aming mga propyedad at negosyo. Kung sakaling mangyari ang naturang pagbebenta o paglilipat, gagamit kami ng makatwirang pagsisikap upang subukang tiyakin na ang entidad kung saan inililipat namin ang iyong personal na data ay gagamitin ito sa paraang naaayon sa abiso ng pagkapribado na ito.

Ang sumusunod na mga kategorya ng iyong personal na data na nakolekta namin mula sa iyo ay maaaring ibahagi sa mga partidong ito:

  • Mga nagpapakilala
  • Mga protektadong katangian
  • Impormasyon sa pananalapi, medikal, o pangkalusugan
  • Audio, elektroniko, pampaningin, thermal, olfactory, o katulad na impormasyon
  • Impormasyon sa aktibidad sa internet o iba pang elektronikong network
  • Impormasyon sa pagtatrabaho
  • Impormasyon sa edukasyon

Ang sumusunod na mga kategorya ng iyong personal na data ay maaaring isiwalat sa mga partidong ito:

  • Mga nagpapakilala
  • Mga protektadong katangian
  • Impormasyon sa pananalapi, medikal, o pangkalusugan
  • Audio, elektroniko, pampaningin, thermal, olfactory, o katulad na impormasyon
  • Impormasyon sa aktibidad sa internet o iba pang elektronikong network
  • Impormasyon sa pagtatrabaho
  • Impormasyon sa edukasyon

Dahil nagpapatakbo kami bilang bahagi ng isang pandaigdigang negosyo, ang mga tatanggap na tinukoy sa itaas ay maaaring matatagpuan sa labas ng hurisdiksyon kung saan ka matatagpuan (o kung saan kami nagbibigay ng mga serbisyo). Tingnan ang seksyon sa "Mga Pandaigdigang Paglilipat ng Data" sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

Hindi kami “nagbebenta” sa iyong personal na data ng mga menor-de-edad na wala pang 16 na taong gulang nang walang sumasang-ayong awtorisasyon.

Nagpapatupad kami ng mga teknikal at pang-organisasyong hakbang upang masiguro na ang antas ng seguridad na naaangkop sa panganib sa personal na data na pinoproseso namin. Ang mga hakbang na ito ay naglalayong siguraduhin ang patuloy na integridad at pagkakompidensyal ng personal na data. Regular naming sinusuri ang mga hakbang na ito upang masiguro ang seguridad ng pagpoproseso.

Itatabi namin ang iyong personal na data hangga’t mayroon kaming relasyon sa iyo at/o kinakailangan ang iyong personal na data para sa mga layunin kung bakit ito kinokolekta at karagdagang pinoproseso.

Lalo na, itatabi namin ang iyong personal na data ng mga sumusunod na uri ng impormasyon;
  • Ang Pangunahing Profile, ang Detalyadong Profile at iba pang kinakailangang personal na data para sa pagsasakatuparan ng kontrata: nang 3 taon pagkatapos ng umalis ka mula sa aming site ng miyembro;
  • Data ng Survey: hangga’t kinakailangan para sa mga serbisyo namin, kabilang na ang para sa mga serbisyo ng aming Mga Kliyente, at pagkatapos ito ay idedelete nang walang labis na pagka-antala.
  • Pansamantalang data ng pagpaparehistro: nang 6 na buwan

Pinapanatili namin ang mga istatistika at di makikilalang impormasyon na tungkol sa iyo upang makatulong na mapagbuti ang aming serbisyo.Pinapanatili lang namin ang iyong personal na data na lampas sa mga tuntunin sa itaas kung kinakailangan naming gawin ito upang sumunod sa batas, o kung may mga natitirang paghahabol o reklamo na makatwirang nangangailangang panatilihin ang iyong personal na data.

Ang personal na data ay maaaring ilipat, itabi, at iproseso sa isang bansa na hindi itinuturing na nagsisiguro sa sapat na antas ng proteksyon para sa personal na data.

Naglalagay kami ng mga naaangkop na pag-iingat (katulad ng mga pangkontratang pangako) alinsunod sa mga naaangkop na mga legal na utos upang masiguro na sapat na protektado ang iyong data. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa naaangkop na nakalagay na proteksyon, mangyaring kontakin kami gamit ang mga detalye sa ibaba.

Bilang bahagi ng Rakuten Group, umaasa ang Rakuten Insight sa Binding Corporate Rules ng Rakuten Group upang gawing lehitimo ang mga pandaigdigang paglilipat ng data sa loob ng Group. Ang Binding Corporate Rules ng Rakuten Group ay matatagpuan sa https://corp.rakuten.co.jp/privacy/en/bcr.html.

Ang aming mga website para sa serbisyo ay nag-embed ng mga link na nagdidirekta patungo sa ibang mga website, lalung-lalo na kapag nagkokonekta sa sistema ng survey ng Kliyente para makasagot ang Mga User sa isang survey rito. Ang Rakuten Insight ay hindi responsible sa mga gawi sa pagkapribado ng naturang ibang mga website. Hinihikayat ng Rakuten Insight ang User na magkaroon ng kamalayan kapag aalis ang User sa Website ng Rakuten Insight, at basahin ang mga pahayag ng pagkapribado ng bawat website na nangongolekta ng personal na data. Ang Patakarang ito ay nilalapat lamang sa mga aktibidad ng pagpoproseso na nakolekta at kontrolado ng Rakuten Insight.

Ang Rakuten Insight ay ang tagapamahala na responsible sa personal na data na ibinigay mo sa amin bilang aming database ng miyembro.

Kung gusto mong talakayin o gamitin ang iyong mga karapatan na ipinagkaloob ng mga naaangkop na batas, mangyaring kontakin kami sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan ng pagtatanong sa ibaba. Para sa karagdagang paglalarawan ng iyong mga Karapatan at mga pamamaraan, mangyaring tingnan ang Seksyon 3 ("ANG IYONG MGA KARAPATAN SA IYONG PERSONAL NA DATA").

Maaari naming baguhin o i-update ang abiso sa pagkapribado na ito paminsan-minsan.

Kung babaguhin namin ang abiso ng pagkapribado na ito, aabisuhan ka namin sa mga pagbabago. Kung saan ang mga pagbabago sa abiso ng pagkapribado na ito ay magkakaroon ng pundamental na epekto sa katangian ng pagpoproseso o kung hindi man ay magkakaroon ng malaking epekto sa iyo, bibigyan ka namin ng sapat na paunang abiso upang magkaroon ka ng pagkakataong gamitin ang iyong mga karapatan (hal. upang tumutol sa pagpoproseso).

Huling nai-update: 09/09/2026

I-download ang aming App

 
Setting ng Cookie

Pangkumpanyang Impormasyon

© Rakuten Insight, Inc. All Rights Reserved.